Si Mang Doro Astig
Nang minsan ay nanligalig
Pilit na nanunuligsa
Akala mo ay kung sinong siga
Sinabi ko ng “stop”
Pero di ako tinigilan
Para bang siya’y
Labis kong nilapastangan
Hindi pa nakuntento
Nagdagdag pa ng kwento
Ani ko daw ay
Mas magaling pa ako sa ibang tao
Napailing na lang ako
Sabay buntong hininga
Sinambit ko na lang sa sarili
“This guy must be crazy”
Kawawa namang Doro
Wala sigurong ka-chill na ibang tao
Well, what do you expect from a guy
Whose first name is ino…..

Maraming salamat sa pag-aalay mo ng isang tula(?) sa akin…Sa pamamagitang nito, dumami ang nagsipunta sa aking bahay.
Uulitin ko, maraming salamat, anokamo.
Walang anuman, ayaw mo nun, madadagdagan yung 20,000 hits mo…ilang taon ka ng blogger, you need a boost in readership….
Mabuhay ka Mang Ino…..
Magandang araw. May nakalimutan pala ako. Pakilagay na rin dito ang partikular na post mo kung saan ako nag-iwan ng komento na ayon sa ‘yo ay ‘nanligalig’ para naman mabasa ng mga panauhin mo.
Maraming salamat.
Wag na, maligalig kang masyado….hahaha
alam ko na kung bakit ayaw mo. dinelet mo na kasi ang iba kong koment doon. ‘di mo gustong mabasa ng mga bisita mo ang justification ng previous comments ko doon? o takot ka lang mabisto.
alam ko, idedelet mo rin ito…
kung gusto mo ng personal na mensahe para sa akin, eto ang email ad ko:
doro_astig@hotmail.com
maraming salamat sa espasyo…
Wala akong dinedelete na post. Buti pa, instead of coming back and posting senseless comments on my blog bakit di ka maglagay ng baong post sa blog mo? I am sure nilalangaw na yung huling post mo dun. Don’t worry about us here, ok lang kami, with or without the racket you’re starting here……
Mabuhay ka, Mang Ino…..
he he he… hindi nilalangaw, pinutakte.
alam mo, bilib ako sa ‘yo. wala ka ngang dinelet na post. totoo, pero the rest of my comments there, naglahong parang bula.
sige na…if you’re okey here, no problem. rest assured na wala nang ‘senseless’ comments from me…
Mabuhay ka rin, anokamo….
Eh di kinagat ka ng putakte…o siya Ka Ino..saksakan ka talaga ng kulit…may katandaan ka na siguro…
Wala akong binura na post mo..este comments mo…
me giyera ba, mga pare?