Mga nagpapatawang hindi naman kalbo…

Akala ko nanonood ako ng bagong comedy show nung isanag araw, kamukha’t mukha mo, mga senador pala yun at nagsasaguitan sa isyung si Senator Manny Villar ay may ginawang hokus pokus sa construction ng bagong C5 road.

Umabot na nga sa nagkakabastusan…sabi kasi ni Senator MAr Roxas, wala daw silang insertion sa project na pinaguusapan.

Ani naman ni Senator Nene Pimentel na, “Having just been married, I know you have made many insertions recently…”

Syet.

Mali si Roxas actually, dapat hindi siya nagalit at sinagot na lang niya si Pimentel ng ganito, ” At least i can still make insertions..”

O’ di ba.

And what about Senator Villar na hanggang ngayon ay todo tanggi na humarap sa senado.

Tsk, tsk, p’re, nakasasama lang sa kampanya mo ang pag-iwas mo.

It’s really just short of saying na wala ka palang bayag.

Wala rin pala kaming mapapala sa iyo.

P’we.

1 Comment

Filed under Samo't Sari

Nakanam..Putragis talaga

Syet. Wala na kaming TV sa aming household.

Dangkasi naman, nananahimik akong nanonood ng SOP sa GMA 7 akalain mo ba namang lumabas si Aling Dionisia at kaduet si Imelda Papin.


This is blasphemy.

Anak ng pitungpu’t apat na tutsang. Wala na ba talagang maipalabas sa TV ngayon at pagka…..

Syet talaga. Sa inis ko, nabato ko ng ashtray ‘yung TV.

Ayun, basag.

6 Comments

Filed under 1

Para sa mga nanonood ng sine…..

Dear Kiko,

Sana po ay matulungan niyo po ako sa problema ko. Nagtratrabaho po kasi ako dito sa isang sinehan sa isang malaking mall bilang usher—ako po yung nageescort ng mga manonood sa kanilang mga upuan bago magstart ang isang pelikula.

 Pangkaraniwan na pong problema dito ang pag gamit ng cellphone habang tumatakbo po ang takilya. Kahit po sabihin o ilagay sa poster na bawal gumamit ng cellphone ay siya pa ring gamit ng ilang manonood na labis namang kinaainisan ng iba.

 Ano po kaya ang maipapayo niyo sa akin para matugunan namin ang isyu na ito.

 Gumagalang,

Sammy Guion

Ang sagot ni Kiko;

Alam mo Sammy matagal tagal na rin akong naiinis sa mga ganyang klaseng tao—‘yung tipo bang mahirap paliwanagan. Ganito po ang aking maipapayo sa inyo.

Kumuha po kayo ng dyaryo, mas maganda po sana kung broadsheet at hindi tabloid.

Irolyo niyo po ito at tumayo po kayo sa tagiliran ng sinehan na habang tumatakbo ang pelikula ay nandun lang kayo. ‘Wag bibitawan ang dyaryo.

Kapag may narining kayong cellphone na tumunog at nakitang ginamit o sinagot ng may-ari ay dahan dahan niyo po itong lapitan. Mas maigi po sana kung hindi niya nararamdaman ang inyong paglapit sa kanya.

Kapag nasa distansya na kayo na malapit at eksaktong eksakto ay hatawin mo ng nakarolyong dyaryo sa ulo, sabay sambit ”Sinabi naman hong bawal gumamit ng cellphone”

Umalis at tumakbo ng matulin papalabas.

Lumipat naman sa kabilang sinehan para magmasid uli.

6 Comments

Filed under 1

Ang pinakamalaking concern ng sambayanang Pilipino at the moment is…

Kasalukuyang umiikot ang balita na nanghingi ng space si Kris Aquino from her husband; ang sikat na babaerong este basketbolistang si James Yap.

Sinasabi na sinugod daw ni Kristeta ang napapabalitang babae ng sikat na sikat na yagbolero, este athlete na ilang dipa lang ang layo mula sa bahay nila. Wow, men, dapat may magturo kay Papa James na of all places, you shouldn’t shit in your backyard..or backyard ng kapitbahay mo or kahit ninupamang backyard.

Eto pang malupit, ang storya na ito is fueled by witness accounts coming from your local household help na nakapaligid sa Valle Verde 2 na tinitirhan ng mag-asawa. Ibig sabihin, lalo lang itong ginatungan ng mga tsimoso’t tsismosa na nakapaligid. Kaya kahit na anong sabihin ni Kristeta na calmado ang kanyang approach eh ‘di na siya papaniwalaan.

Wadapak. Pati ba naman ito, ginagawa nating big deal. ‘Naknang malaking tutsang naman, wala na tayong pakialam diyan, away nila yan..although amusing if in the next few days eh lumabas si Papa James at sabihin na dinakma at dinurog ang kanyang yagbadoodles.

Ito talagang si Kristeta ang galling tumayming ng intriga…parang si willie revillame (idol..wohooo….NOT!)

(Ang photo na ito ay kinuha ko sa ABS CBN Website. Thank you.)
The poor lady went on National TV and said na she was asking for space as a result of the spat of intrigues. Come on, girl, live with it. Kung talagang nambabae, bigwasan mo ng isa para matuto, kapag hindi pa natuto, putulan mo na para magtanda. Ganun lang kasimple.

Andami pang mas malaking problema sa Pinas eh wag nating pag-ukulan ito.

And now on to bigger issues….dumating na nga ba si Krista Ranillo?

Paksyet.

4 Comments

Filed under 1

Ang pagbabalik

Balitang balita ang muling pagtapak ni dating presidenteng Joseph Estrada sa Malacanang kahapon. Ayos ‘di ba, pagkatapos ng mahigit anim na taon mula nung siya’y tanggalin bilang president eh nakabalik siya upang mag-attend ng isang national security meeting.

Marami na nga ang nagsasabing ‘pag nagkataon, balik malacanang si Erap at si GMA naman ay House Speaker ng congress. Hindi naman halatang mga ganid sila, di ba?

Pero maiba ako…ayon sa aking mga bubwit na naroon sa Malacanang..may mga ilang moments daw ang nangyari, heto’t basahin niyo na lang…

Erap: (Habang tinitingnan ang paa ni GMA nung meeting)Nampootahh, tsinelas ko yan ah…

GMA: (Bumubulong kay Sec. Ermita) Bantayan niyong mabuti yan, baka biglang pumasok sa kuwarto ko at ideclare na siya na uli ang presidente….

Erap: (May sinsipat sa isa sa mga tukador na nakadisplay) Dito ko nilagay ‘yung playing cards namin sa tong-its, bakit wala na dito..nampating naman pati baraha kinuha….

Erap: Bakit parang ang baho dito?

GMA: (Habang nagphophoto op at nakangiti) Salamat sa pagdalaw..makakaalis ka na….

Erap: (Habang kinakausap ang ilang cabinet members na kakilala) (Pabulong) Kayo ha, mga tang’na kayo..pinabayaan niyo ako…hintayin niyo pagbalik ko..igogordon ko kayo….

6 Comments

Filed under Samo't Sari

Alay ko sa aking No. 1 Fan….

Si Mang Doro Astig

Nang minsan ay nanligalig

Pilit na nanunuligsa

Akala mo ay kung sinong siga

 

Sinabi ko ng “stop”

Pero di ako tinigilan

Para bang siya’y

Labis kong nilapastangan

 

Hindi pa nakuntento

Nagdagdag pa ng kwento

Ani ko daw ay

Mas magaling pa ako sa ibang tao

 

Napailing na lang ako

Sabay buntong hininga

Sinambit ko na lang sa sarili

“This guy must be crazy”

 

Kawawa namang Doro

Wala sigurong ka-chill na ibang tao

Well, what do you expect from a guy

Whose first name is ino…..

 

 

 

9 Comments

Filed under Samo't Sari

Ang depinisyon ng tunay na pagmamahal…

Nakakatuwa minsan ang makita ang mga old couples, still playing it sweet kahit na makikita mo na may edad na silang pareho. Hindi ba’t tayong lahat ay umaasa na kung sino man ang mapili natin sa buhay ay siya ngang totoo–na hanggang sa huli eh kayo pa rin no matter what..

Sa palagay ko, ang drawing na ito ay siyang makakapag bigay tamang kahulugan ng true love, or might as well give you a better understanding of that catchy phrase na “Kahit maputi na ang buhok mo….”

2 Comments

Filed under Samo't Sari