Ang pagbabalik

Balitang balita ang muling pagtapak ni dating presidenteng Joseph Estrada sa Malacanang kahapon. Ayos ‘di ba, pagkatapos ng mahigit anim na taon mula nung siya’y tanggalin bilang president eh nakabalik siya upang mag-attend ng isang national security meeting.

Marami na nga ang nagsasabing ‘pag nagkataon, balik malacanang si Erap at si GMA naman ay House Speaker ng congress. Hindi naman halatang mga ganid sila, di ba?

Pero maiba ako…ayon sa aking mga bubwit na naroon sa Malacanang..may mga ilang moments daw ang nangyari, heto’t basahin niyo na lang…

Erap: (Habang tinitingnan ang paa ni GMA nung meeting)Nampootahh, tsinelas ko yan ah…

GMA: (Bumubulong kay Sec. Ermita) Bantayan niyong mabuti yan, baka biglang pumasok sa kuwarto ko at ideclare na siya na uli ang presidente….

Erap: (May sinsipat sa isa sa mga tukador na nakadisplay) Dito ko nilagay ‘yung playing cards namin sa tong-its, bakit wala na dito..nampating naman pati baraha kinuha….

Erap: Bakit parang ang baho dito?

GMA: (Habang nagphophoto op at nakangiti) Salamat sa pagdalaw..makakaalis ka na….

Erap: (Habang kinakausap ang ilang cabinet members na kakilala) (Pabulong) Kayo ha, mga tang’na kayo..pinabayaan niyo ako…hintayin niyo pagbalik ko..igogordon ko kayo….

6 Comments

Filed under Samo't Sari

6 responses to “Ang pagbabalik

  1. will you vote for him?
    i know for sure I wont. hehe

    apir na lang tayo

  2. gusto ko iboto yung sure ball na i-swak si gloria sa kulungan….bago swak eh..idribol maigi yun tipong mapipiga muna…. bago hilahin yung nunal nya..

    kung lumaban yan sana ng patayan nung edsa..hindi sanan nakulong yan..hindi na makakabalik yan…masa nga eh.

    ilatag ko na baraha ko…C FPJ at ERAP ako…

  3. Napaka-violence mo naman onesounddrum, pero alam naman natin na marami talagang galit sa look-alike ni ate guy..kitams mo nga pati si ate guy mismo ayaw ng umuwi sa pinas dahil sa kahihiyan na magkahawig sila ni nunal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s