Para sa mga nanonood ng sine…..

Dear Kiko,

Sana po ay matulungan niyo po ako sa problema ko. Nagtratrabaho po kasi ako dito sa isang sinehan sa isang malaking mall bilang usher—ako po yung nageescort ng mga manonood sa kanilang mga upuan bago magstart ang isang pelikula.

 Pangkaraniwan na pong problema dito ang pag gamit ng cellphone habang tumatakbo po ang takilya. Kahit po sabihin o ilagay sa poster na bawal gumamit ng cellphone ay siya pa ring gamit ng ilang manonood na labis namang kinaainisan ng iba.

 Ano po kaya ang maipapayo niyo sa akin para matugunan namin ang isyu na ito.

 Gumagalang,

Sammy Guion

Ang sagot ni Kiko;

Alam mo Sammy matagal tagal na rin akong naiinis sa mga ganyang klaseng tao—‘yung tipo bang mahirap paliwanagan. Ganito po ang aking maipapayo sa inyo.

Kumuha po kayo ng dyaryo, mas maganda po sana kung broadsheet at hindi tabloid.

Irolyo niyo po ito at tumayo po kayo sa tagiliran ng sinehan na habang tumatakbo ang pelikula ay nandun lang kayo. ‘Wag bibitawan ang dyaryo.

Kapag may narining kayong cellphone na tumunog at nakitang ginamit o sinagot ng may-ari ay dahan dahan niyo po itong lapitan. Mas maigi po sana kung hindi niya nararamdaman ang inyong paglapit sa kanya.

Kapag nasa distansya na kayo na malapit at eksaktong eksakto ay hatawin mo ng nakarolyong dyaryo sa ulo, sabay sambit ”Sinabi naman hong bawal gumamit ng cellphone”

Umalis at tumakbo ng matulin papalabas.

Lumipat naman sa kabilang sinehan para magmasid uli.

6 Comments

Filed under 1

6 responses to “Para sa mga nanonood ng sine…..

  1. dong

    I like that…

  2. echoserapalaka

    hahahaha! nakakaloka. kaaliw:)

  3. waaah! hanep sa hataw..sabay takbo! hahhaaahahahah

  4. aray ko natamaan ako ng nakarolyong dyaryo. tsk-tsk

    para sa mga kailangan ng cp at naghihintay ng twag( siempre kapag ikaw ang tatawag ka munang pumwesto diba) i-silent at i-vibrate na lang.

    pagkaramdam dyan eh, takbo na palabas para sagutin. mukha ka pa kunong busy sa buhay at may ethics.

    mabuhay! pero maigi na wag mag-cellphone sayang ang panood, mahalpa naman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s